Si Homer o Homero (Griyego Όμηρος Hómēros) ay isang mala-alamat na unang Griyegong manunula at rapsodista, na binigyan ng kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan), bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga ito.[1] Karaniwang sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit, manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya