Lagyan ng tsek (√) kung ito ay nagsasabi o tumutukoy ng pagsasabuhay ng iyong pananampalataya at (X) kung hindi. __________1. Sumasali sa mga gawaing pansimbahan o pangkawanggawa. __________2. Nagbibigay ng mga lumang damit at laruan na maayos pa.
__________3. Nakikinig sa mga kaibigang may suliranin.
__________4. Sumasali sa mga gawaing pampamayanan katulad ng paglilinis ng bakuran at tamang pagtatapon ng basura.
__________5. Hindi naglilinis ng bahay kahit inuutusan.
__________6. Nagtuturo sa mga kamag-aral ng mga araling hindi nila gaanong maunawaan.
__________7. Nagninilay-nilay bago matulog sa gabi.
__________8. Tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
__________9. Hindi sumusunod sa mga batas o ordinansa ng pamayanan at bansa.
__________10. Pinapasaya ang mga matatanda kahit hindi sila kasapi ng inyong pamilya. ​