Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Gumuhit ng bilog/circle sa pallong kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga suliranin ng pamilya at komunidad, Gumuhit naman ng tatsulok/triangle naman kung hindi.
1. Pagluluto ng mga kakanin noong mawalan ng trabaho ang iyong Nanay mula sa pribadong kompanya.
2. Umasa na lamang si Diego sa kanyang mga magulang nang mawalan siya ng trabaho,
3. Naisip ni Perla na magbenta ng mga facemask sa online para makatulong sa mga gastusin.
4. Masarap magluto ng ulam si Nanay kaya naisipan niyang magbenta sa aming mga kapitbahay habang hindi pa nakakabalik si Tatay mula sa trabaho.
5. Ibinenta ni Allan ang "relief goods" na nakuha niya galing sa gobyerno.
6. Gamitin ang kaalaman at kasanayan na mayroon ka sa pag-iisip ng mapagkakakitoon.
7. Tumunganga na lamang at hintayin ang ayuda na ibibigay para may makain ang pamilya.
8. Iniiwasan ang paglabas ng bahay at pakikihalubilo sa maraming tao.
9. Tuwing lalabas, sinusunod ang ipinatutupad na protocol ng IATF tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield.
10. Pagsuway sa programa ng komunidad gaya ng Community Pantry.