Para sa bilang 17
Sa mga kutyang narinig
si Don Juan ay nagngalit;
“Higante, ‘tikom ang bibig’
ako’y di mo matitiris.

17. Tukuyin ang katangian ng korido na naipakita sa saknong?
a. nagtataglay ng supernatural na kapangyarihang ang tauhan
b. may kagila – gilalas na pakikipaglaban ng pangunahing tauhan alang-alang sa pag-ibig.
c. nakipagsapalaran ang tauhan na malayong mangyari sa totoong buhay
d. Puno ng kabayanihan ang tauhan.

Para sa bilang 18
“Sila nawa’y patawarin
ng Diyos na maawain;
kung ako man ay tinaksil
kamtan nila ang magaling.”

“Sa akin po ay ano na
Sinadlak man nga sa dusa
Kung may daan pang magkita
Pag-ibig ko’y kanila pa.”

18. Mula sa korido sa itaas ay mahihinuha ang aral na maging mapagpatawad sa kapwa, dahil;
a.Ito’y kasama sa sampung utos ng Diyos
b.May mabuti itong dulot sa kalusugan
c. Kasama sa pag-ibig sa kapwa ang pagpatawad.
d. Dahil mas matiwasay ang ating kaisipan kapag nagpatawad.