Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Q4: Modyul: Umiiral na Paglabag sa Katapatan Gawain 1: Mga Umiiral na Paglabag sa Katapatan sa Salita at sa Gawa Pangalan: Grade & Section: Panuto: Basahin at unawain ang mga uri ng paglabag sa katapatan. Magbigay ka ng sarili mong karanasan ukol sa bawat paglabag. 1. Pagsisinungaling A. Pagsisinungaling upang mapangalagaan o matulungan ang ibang tao na hindi mapahamak (Prosocial Lying) Halimbawa: Nagsinungaling si Roseh sa magulang ni Dalia na sila ay magkasamang gumawa ng proyekto ngunit ang totoo ay pumunta lamang sila ng mall para samahan si Dalia na makipagkita sa kanyang nobyo. Sariling Karanasan Mo Ukol Dito: B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili, upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-Enhancement Lying). Halimbawa: Nagsinungaling si Dalia sa kanyang magulang na pupunta sa bahay nila Roseh para gumawa ng proyekto ngunit ang totoo ginamit niya lamang itong dahilan upang makaalis siya ng bahay at makipagkita sa kanyang nobyo dahil kung magsasabi ito ng totoo ay tiyak na mapapagalitan ng magulang. Sariling Karanasan Mo Ukol Dito: C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying). Halimbawa: Nakita ni Dindy na ginugulpi ng kanyang buskador na mga kaklase si Dindo. Humihingi ito ng tulong dahil alam nitong nakita ni Dindy ang tunay na pangyayari. Nagsumbong si Dino sa kanilang guro. Ipinatawag ang mga sangkot sa gulo at si Dindy. Tinanong ng guro si Dindy kung totoo ba ang sinasabi ni Dino ngunit dahil sa takot na gulpihin rin ito ay mas pinili ni Dindy na sabihin ang kabaliktaran nang pangyayari. Sariling Karanasan Mo Ukol Dito: D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying). Halimbawa: Hindi payag ang mga magulang ni Dalia sa relasyon nila ni Anton. Isa lamang ang naisip niyang paraan upang maayos ang kanyang relasyon sa mga magulang. Kaya, nakipagkita siya sa nobyo at ipinagtapat na hindi na niya ito gusto at marami pa siyang plano sa buhay. Sariling Karanasan Mo Ukol Dito: