Gumamit ng buong pangungusap sa pagsagot ng sumusunod.
1. Sa iyong palagay, pag-ibig ba ang nagbunsod sa pag-iisang dibdib ng mag-asawang de
Espadaña?
2. Paano mo ilalarawan ang inasal ni Padre Damaso nang dalawin niya si Maria Clara?
3. Sang-ayon ka bang may sala si Maria Clara kung kaya siya nagkasakit, kaya dapat siyang
magkumpisal?
4. Sino-sino ang tinutukoy na mga "api" sa mga kabanata? Bakit?
5. Ano ang masasamang epekto ng pagkalulong sa sabong o bisyo?
6. Kung ikaw si Don Tiburcio, magsasawalang-kibo ka rin ba kung sa di magandang trato sa
iyo ng iyong asawa?
7. Isa-isahin ang mga naging bunga ng maling paratang at pagpaparusa sa lolo ni Elias.
8. Magkapareho ba ng pananaw sina Elias at Ibarra tungkol sa mga problema ng bayan?
9. Kung ikaw si Ibarra, tatanggapin mo ba ang alok ni Elias na maging tagapagsalita ng mga api?
10. Si Linares kaya ay matapang, o nagtatapang-tapangang duwag lamang?​​