Gamitin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon upang masagot ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
a. Likas sa karapatan b. Karapatang Sibil o Panlipunan c. Karapatang Pangkultura d. Karapatang Politikal e. Karapatan ng Nasasakdal f. Karapatang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya. 11. Nang sumali sa union ng kanilang opisina si Mang Dustin, tinanggal siya sa kanyang trabaho. 12. May katiwaliang nagaganap sa paaralan nina Cora at Alma. Pinipigilan silang magsalita ng kanilang guro. 13. Bukas ang sulat ni Roy nang matanggap niya ito sa koreo. 14. Nahulog sa malalim na kanal si Larie sa isang madilim na kalye dahil sa walang ilaw ang poste. 15. Binigyan ng gobyerno ng sariling abogado si Daci upang maipatanggol nito ang sarili laban sa kasong inihain sa kaniya.