Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay Bilang isang mag-aaral na may pangarap na maging isang matagumpay na Architect ay gagawa ako ng paraan upang maitawid ang pinapangarap sa buhay maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako'y magiging masipag at magiging isang modelo sa mga kabataan. Hinding hindi kakalimutan ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya, ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko ang lahat ng mga aral na aking natutuhan. Maging sa mga gawain ay kailangang may puso at pinag-iisipan. Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa kapwa at higit sa lahat, ang gabay ng Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad ang buhay sa balang araw. -Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa https://www.coursehero.com/file/15220770/Pagsasabuhay/ 3. Ano ang pangarap ni Kaye Yra? A. Architect B. Doktor C. Nurse D. Maging isang matagumpay na mag-aaral 1 4. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay? A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan. B. Maging isang modelo sa kabataan. C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan. D. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa. 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamamaraan ni Kaye Yra upang matupad ang kaniyang misyon sa buhay? A. Patibayin ang pananampalataya sa Diyos B. Mag-aral nang mabuti.