1. Matapos mamatay si Sisa naisipan ni Basilio wakasan ang kaniyang buhay?
a. Nais niya magpasagasa sa isang rumaragasang karwahe
b. Binalak niya magpasuwag sa sungay ng isang galit na kalabaw
c. Gusto niya lumusong sa ilog hanggang siya'y lumubog at malunod
d. Naisip niyang maghanap ng halamang may lason sa gubat upang matapos na ang lahat
2.Sino ang tumulong kay Basilio na sunugin at ilibing ang bangkay ng kaniyang ina na si Sisa?
a. Crisostomo Ibarra b. Elias c. Maria Clara d. Alferez
3. Bakit tinanggap ni Kapitan Tiyago si Basilio sa kaniyang tahanan?
a. magkaroon ng alalay sa loob ng bahay
b. bigyan si Basilio ng magandang buhay
c. maging ganap na propesyonal si Basilio upang makatulong sa lipunan
d. maging tagapagmana ng kaniyang mga kayamanan
4. Noong pinag-aral si Basilio ni Don Santiago Delos Santos, bakit hindi naging maganda ang kaniyang karanasan mula sa paaralang pinapasukan?
a. May diskriminasyon ang mga guro sa mga Pilipinong estudyante
b. Pinagtatawanan siya ng mga kaklase sapagkat luma ang kaniyang damit at wala siyang suot sa paa
c. Hinihingan siya ng pera palagi ng kaniyang mga kaklaseng Mestizo
d. Ayaw siya papasukin sa silid-aralan sapagkat palagi siyang nahuhuli sa klase
5.Sa paaralang ito pinag-aral ni Kapitan Tiyago si Basilio dahil nakitaan ito ng kasipagan ng matanda.
a. San Juan de Letran
b. Unibersidad ng Santo Tomas
c. Ateneo de Municipal
d. Centro Escuela de Letran
6. Bakit inilipat si Basilio ni Don Santiago Delos Santos na mag-aral na lamang sa Ateneo Municipal?
a. May sama ng loob si Kapitan Tiago sa mga prayle
b. Masyado mataas ang singil sa unang paaralan ni Basilio
c. Masyado mahigpit sa paaralan kaya't hindi natututo si Basilio
d. Galit si Kapitan Tiago sapagkat umuuwi lagi si Basilio na may sugat ang mga binti mula sa 7. Paanong nakilala ni Basilio si Simoun bilang si Crisostomo Ibarra?
a. Nakita niyang naghuhukay ito sa libingan ng ninuno ni Crisostomo Ibarra
b. Napansin niya ang mga pagod na mata ni Simoun nang hubarin nito ang salamin
c. Narinig niya itong kinakausap ang namatay na kamag-anak habang naghuhukay
d. Narinig niyang bumubulong si Simoun ang nabanggit ang tunay niyang pagkatao
mga hagupit ng guro
8. Ano ang palaging unang ginagawa ni Basilio tuwing umuuwi siya sa bayan ng San Diego?
a. Binibisita niya ang libingan ng ina
b. Pinupuntahan niya ang kaniyang kasintahan si Juli
c. Kinukumusta niya sa kumbento si Maria Clara
d. Dinadalaw niya ang bahay ni Kapitan Tiago
9. Nang makulong si Basilio nang isabit sa kaso ng mga estudyanteng lumalaban sa gobiyerno, bakit hindi siya agad nakalabas ng kulungan?
a. Sinadya ni Simoun mapiit si Basilio sa bilangguan upang maranasan nito ang kaniyang naranasan.
b. Tumanggi si Kapitan Tiago na bayaran ang kaniyang piyansa.
c. Iniwan na siya ni Juli na maaari sanang nakapag-ipon upang makalaya siya.
d. Tumanggi ang kaniyang mga kaklase na pahiramin siya ng pera.
10. Bakit nagdesisyon si Basilio na tuluyan nang sumunod sa mga plano ni Simoun?
a. Namatay ang kaniyang kasintahan dahil sa isang madilim na kadahilanan.
b. Malaki na ang utang niya kay Simoun at hindi na siya maaaring umatras.
c. Nais niya ipaghiganti ang kaniyang nanay na minaltrato dati ng mga prayle.
d. Nais niya pumanig kay Simoun na magiging may kapagyarihan kapag nagtagumpay ang rebolusyon.