Sagot :
Answer:
tanong bayan?
Ang Salaah (Pagdarasal) ang siyang pinakamasayang mga sandali para sa isang naniniwala [Muslim] habang siya ay nagsusumamo [nananalangin, dumudulog] sa kanyang Panginoon sa [mga oras ng kanyang] Salaah (pagdarasal), kaya siya ay nakakatagpo ng katiwasayan, [nakakaramdan ng] kapanatagan at [ibayong] kagalakan sa pakikipag-ugnayan sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan. At ito ang pinakadakilang kasiyahan para sa Propeta r, batay sa sinabi niya: «At ginawa itong Qurratu `ayni (kasiyahan para sa aking mga mata) ang Salaah (Pagdarasal)». (An-Nisai: 3940) At siya [ang Sugo ng Allah] ay lagi nang nagsasabi sa kanyang Mu`adheen [ang tagatawag sa Saalah] na si Bilal (sumakanya nawa ang lugod ng Allah): «Pamahingahin mo kami sa pamamagitan nito, O Bilal». (Abu Daud: 4985) At naging kaugalian ng Propeta r na kapag siya ay nababalisa [o naliligalig]sa isang bagay, siya ay humahayong nagtutungo pagsasagawa sa Salaah (pagdarasal). (Abu Daud: 1319)Ang Kahulugan ng Salaah sa salitang-ugat: Ad-Du`a (panalangin), at ito ang nagsisilbing ugnayan ng isang alipin sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha, nasasaklawan nito ang pinakamatayog na katawagan sa kahulugan ng pagkaalipin, pagdulog sa Allah at paghingi ng tulong sa Kanya, kaya siya ay nananalangin sa Kanya, nagsusumamo at gumugunita sa Kanya. Kaya mapapadalisay niya ang kanyang sarili, at maalaala niya ang katotohanan niya, at ang katotohanan ng mundong ito na kanyang pinamumuhayan, at madarama niya ang Kadakilaan ng kanyang Panginoon at ang Habag Niya sa kanya, at pagkatapos ay igagabay siya ng Salaah (Pagdarasal) na ito sa pagiging matuwid sa Batas ng Allah at paglayo sa kawalan ng katarungan, kahalayan at pagsuway. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanan, ang Salaah (Pagdarasal) ay nakapipigil sa paggawa ng (lahat ng) mga kahiya-hiya at masamang gawa}. Al-`Ankabut (29): 45
Explanation:
haleluja