sanling kakayan V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: (Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo) Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng pinaka-angkop na pagkilos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kagalingan pansibiko sa sumusunod na mga sitwasyon. 1. May mga dumalo na nagkukwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula na ang pambansang awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin? A. Huwag kumibo C. Sawayin ang mga nagkukwentuhan B. Sumali sa nagkukwentuhan D. Sabihan ang mga nagkukwentuha na tumahimik muna at lumahok sa pag-awit 2. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano ang gagawin mo? A. Alalayan ang matanda C. Sabihan siya at huwag pansinin B. Pabayaan siya at huwag pansinin D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda 3. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa lugar.. Ano ang gagawin mo? A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya C. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya D. Huwag pansinin ang matanda B. Ipagbigay alam ito sa mga barangay tanod 4. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo? A. Manood sa mga taong naglilinis C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya B. Manatili sa kwarto at magpahangin D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan 5. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang maari mong itulong? A. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mga bata B. Magkunwaring walang nakikitang gawain para sa mga batang lansangan C. Makikain kasama ang mga bata D. Umuwi na lamang YI PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang araw sa unang linggo),