Basahin at unawain ng mabuti ang mga pahayag. Isulat ang masayang mukha kung ito ay paraan upang maisabuhay ang paggalang at malungkot na mukha naman kung bunga kawaalan ng paggalang.

1. Ikasisira ng isang magandang relasyon

2. Hindi mapagkakatiwalaan

3. Pagpapabaya sa mga magulang at nakatatanda

4. Ikasisira ng reputasyon

5. Hindi magiging magandang halimbawa sa mga mata ng iba

6. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.

7. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kanyang pagkakamali.

8. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.

9. Laging isaalang-alang ang damdamin na kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.

10. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng angkop na paraan ng paggalang.

11. Suriing mabuti ang kalagayan at sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

12. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya at ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.

13. Maling pagpapahalaga ang maituturo sa mga magiging anak

14. Pagmumulan ng kaguluhan

15.. Dadalhin hanggang sa pagtanda ang maling kinamulatang pagpapahalaga​