Iniaatas ng Children's Television Act sa bawat broadcast television station sa U.S. na magpalabas ng programang partikular na idinisenyo para maibigay ang mga kinakailangan sa edukasyon at kaalaman ng mga bata. Nililimitahan din nito ang tagal ng oras na maitatalaga ng mga broadcaster, cable operator, at satellite provider sa mga patalastas habang ipinapalabas ang mga programang pambata.
Sa Hulyo 10, 2019, gumawa ng mga bagong panuntunan (sa English) ang Commission para bigyan ang mga broadcaster ng higit na kakayahang umangkop para matugunan ang mga kinakailangan sa programa sa telebisyong pambata. Iaanunsyo sa Federal Register ang mga petsa kung kailan magkakaroon ng bisa ang mga bagong panuntunan. Kapag nagkabisa na ang mga bagong panuntunan, kailangan ng mga TV station na:
Magpalabas ng hindi bababa sa 156 na oras ng taunang pangunahing programa, kasama ang hindi bababa sa 26 na oras kada tatlong buwan na regular na nakaiskedyul na lingguhang programa.
Ipalabas ang karamihan sa kanilang mga pangunahing programa sa kanilang pangunahing stream ng programa. Ang mga station na nagmu-multicast nang mahigit sa isang stream ng programang video ay puwedeng magpalabas ng hanggang 13 oras kada tatlong buwan ng regular na nakaiskedyul na lingguhang programa sa isa sa kanilang mga multicast stream.