Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang titik na may tamang sagot.
1. Ang pamahalaang ito ay ipinatupad upang masupil ang mga pag-aaklas na ginagawa ng iilang mga Pilipino. a. Pamahalaang Kolonyal b. Pamahalaang Sibil c. Pamahalaang Militar
2. Ang Pamahalaang ito pinamuunuan ng isang sibilyan, at ang pagtatag nito ay naka batay sa tinatawag sa "susog spooner". a. Pamahalaang Kolonyal C3 b. Pamahalaang Militar c. Pamahalaang Sibil
3. Siya ang unang Amerikanong Gobernador-sibil ng Pilipinas. a. Heneral Wesley Merritt b. Dr. Jose Rizal c. William Howard Taft
4. Ang taong ito ay inatasan ng pangulo ng United States na manungkulan sa Pilipinas bilang unang gobernador-militar. a. William Howard Taft b. Heneral Emilio Aguinaldo c. Heneral Wesley Merritt
5. Ang batasa na ito ay nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang makabayan. a. Flag Law ng 1907 b. Reconcentration Act noong 1903 c. Brigandage Act ng 1902 bandila, Banderitas, sagisag, o anumang ginamit
6. Ang batas na Ito ay nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng ng mga kilusang laban sa America. a. Brigandage Act ng 1902 b. Reconcentration Act noong 1903 c. Flag Law ng 1907
7. Ang batas na Ito ay ang puwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan upang maputol ang tulong na pagkain at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan. a. Reconcentration Act noong 1903 b. Flag Law ng 1907 c. Reconcentration Act noong 1903
8. Batas na nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa mga Pilipinong nangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa America. a. Flag Law ng 1907 b. Reconcentration Act noong 1903 c. Sedition Law ng 1901 o Act No. 292
9. Si William Howard Taft ang pinuno nito. a. Pamahalaang Kolonyal b. Pamahalaang Militar c. Pamahalaang Sibil
10. Ang pamahalaang ito ay tinutulan ni Heneral Emilio Aguinaldo ngunit hindi siya pinakinggan. a. Pamahalaang Kolonyal b. Pamahalaang Militar c. Pamahalaang Sibil