A. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kilalanin kung ang sumusunod na
pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap o padamdam. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Pakiusap E. Padamdam
1. Saan ang balak ninyong puntahan ngayong bakasyon?
2. Yehey! Bakasyon na naman.
3. Bisitahin ninyo ang inyong lolo at lola sa probinsiya.
4. Pakiabot sa akin ang mapa ng Pilipinas.
5. Hindi ko po alam kung saan kami magbabakasyon.
B. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kilalanin kung ang sumusunod na
pangungusap ay payak, tambalan o hugnayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
A. payak B. tambalan C. hugnayan
6. Alamin natin ang mga karapatan ng bawat batang Pilipino.
7. Papaliguan natin ang aso o didiligan namin ang mga halaman.
8. Ako ang susunod sa iyo kapag may pupuntahan si Nanay.
9. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya.
10. Ang blusa ay maganda, ngunit hindi ito kasya sa akin.