SI ROMY Tuwing gabi, nangunguha si Romy ng mga papel, lata, bote at iba pang bagay sa basura na mapakikinabangan. Noong gabing yaon sa paghahalungkat niya, nakakita siya ng isang kaluping o pitakang punong-puno ng salapi. Nakasalansan nang maayos ang salapi. Marahil, ilang libo ang kabuuan nito kung bibilangin. Tuwang-tuwa si Romy. Napakalaking halaga niyon. Maari na siyang tumigil sa paghahalungkat ng basura. Mahahango o maiahon rin niya sa kahirapan ang kaniyang ina at mga kapatid. Makabibili na sila ng maayos na damit at masasarap na pagkain. Kinuha niya ang kalupi, isiningit sa salansan ng basura sa kariton. Ngunit nagdalawang- loob at isip siya. Sa halip na umuwi, tumuloy siya sa himpilan ng pulisya. A. Nakakita siya ng isang kaluping punong-puno ng salapi. B. Kinuha niya ang kalupi at isiningit sa salansan ng basura sa kariton. C. Nangunguha si Romy ng mga bagay na mapapakinabangan sa basura. D. Nagdadalawang loob at isip siya. Sa halip na umuwi tumuloy siya sa himpilan ng pulisya. E. Tuwang-tuwa si Romy dahil mahahango na niya ang kaniyang pamilya sa kahirapan. pa help po ​