ibigay ang 2 uri ng pagsasalaysay ng talata

Sagot :

Answer:

  • Talatang Nagsasalaysay

Ang talatang nagsasalaysay ay nagpapahayag ng pangyayari. Ito ay may layuning magkuwento. Ang pinakapayak na paksa ay isang pangyayaring naganap sa buhay ng tao. Nakasaad dito kung paano, saan, at kailan naganap ang isang pangyayari. Ito ay isinusulat sa paraang pabuod.

  • Mga Halimbawa ng Talatang Nagsasalaysay:

"Ang aking saranggola ay matibay. Tuwing mahaba ang bakasyon ay umuuwi kaming magkakapatid sa lalawigan ng aking nanay. Iginagawa ako ng saranggola ni lolo. Hugis tutubi ng saranggola. Mataas ang lipad ng aking saranggola. Naglalaro ito sa himpapawid. Sumasabay sa hangin. Matatag ang mga kamay ko sa paghigpit sa mahabang pisi. Lumalaban ito ng sabayan sa saranggola ng aking ga kalaro. Ang aking saranggola ay matatag."

"Pinakamasaya ang ginawang kaarawan ng aking lola. Masaya ito dahil sa bihirang pagkakataon ay halos nakompleto ang aming angkan at dumalo halos lahat ng aking mga kaanak. Muli kong nakita ang aking mga pinakamamahal na pinsan na noon ay kalaro ko pa at kasamang maligo sa ilog. Masaya rin akong muling makatapak sa aming probinsya. Ngunit ang pinakanakagagalak sa lahat ay ang makita ang wagas na saya ng aking lola sa kaniyang kaarawan. Labis naming napasaya si lola sa pagpunta sa kaniyang ika-80 kaarawan. Masaya kami dahil bago pa man magkaroon ng lockdown at pandemya ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkasama-samang muli."