14. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi tuwirang naglalarawan sa isang aktibong mamamayan? A. mga pagkilos na naaayon sa prinsipyo ng demokrasya. B. partisipasyong nakabatay sa pagkilala at pagrespeto sa iba. C. pagiging aktibo sa online at iba pang social media networking sites. D. mga gawaing naglalayong maitaguyod ang kaunlaran at karapatang pantao. 15. Aling kaisipan ang tuwirang sumusuporta sa kalahagahan ng aktibong pagkamamamayan? A. Nilikha ang pamahalaan upang paglingkuran ang mamamayan. B. Magkatuwang ang pamahalaan at mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan. C. Nabuo ang pamahalaan upang makontrol ang gawi at pagkilos ng mamamayan. D. Makapangyarihan ang pamahalaang nagtataguyod ng prinsipyo ng demokrasya. ​