Tayahin Panuto: Basahin at bilugan ang napiling sagot at isulat sa sagutang papel. 1.Bakit isinasaksak ang male plug sa convenience outlet?
a. Upang dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente

b. Dahil ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente

c. Upang maprotektahan ang mga de-kuryenteng kasangkapan tuwing nagkakaroon ng overload o short circuit

d. Dahil sinisigurado nitong maayos ang pagkakabitan ng mga kawad

2.Paano maproteksiyonan ni Pedro ang mga wire sa pagkasira?

a. Babalutin ito ng electrical tape

b. Ipadaan ang mga wire sa loob ng conduit na gawa sa bakal o plastic

c. Ilagay sa utility box

d. Ikabit sa junction box

3. Paano ayusin ni Jun ang extension wire na may punit na maaaring magiging sanhi ng kanyang pagkakuryente?
a. Putulin ng side cutting pliers ang kawad

b. Balutin ng electrical tape ang kawad

c. Palitan ang male plug

d. Ipitin ng electrical clump ang punit na bahagi ng wire

4. Bakit kailangang may sapat na kaalaman at kasanayan ang isang batang katulad mo sa gawaing elektrisidad?

a Upang makakuha ng mataas na marka sa klase

b Dahil nagsisilbi itong kahandaan upang maisagawa ng maayos at ligtas ang mga gawaing elektrisidad

c. Dahil ito ay mapagkakitaan

d. Upang makagawa ng mga magagandang kasangkapang de- kuryente ​