TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong
kaisipan tungkol sa batas militar. Isulat ang MALI kung hindi.
_________1. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong nagpatupad ng Batas Militar.
_________2. Tumagal ng 20 taon ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas.
_________3. Isa sa programang ipinatupad sa panahon ng Batas Militar ay ang
pagpapatupad ng reporma sa lupa kahit pa hindi tuluyang nagtagumpay.
_________4. Marami ang nag-alinlangan sa pagwawakas ng Batas Militar noong
Enero 17,1981.
_________5. DISIPLINA ang acronym sa naging programa ng Bagong Lipunan.
_________6. Si Unang Ginang Imelda Marcos ang tumulong kay Pangulong Marcos
sa pamamahala lalo na sa Metro Manila at pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa.
_________7. Naging maunlad, mapayapa at makatao ang umiral sa Pilipinas sa
panahon ng Batas Militar.
_________8. Ang mga kaguluhan bago ideklara ang Batas Militar ay may isyu na
gawa-gawa lamang ng pamahalaang Marcos.
_________9. Ang pagdedeklara ng Batas Militar ay naaayon sa Saligang Batas.
_________10. Maraming kalayaan ang natamo ng Pilipino sa panahon ng Batas
Militar.