ano ang mga suliranin na pangkapaligiran ng pilipinas???

Sagot :

Kasabay ng patuloy na pagdami ng populasyon sa ating bansa ay ang pagdami rin ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. Kabilang sa mga suliraning pangkapaligirang ito ay ang paglala ng "climate change", polusyon, kakulangan ng suplay ng tubig, pagkakalbo ng mga bundok, pagmimina at pagdami ng basura. Ang mga suliraning ito ay patuloy na lumalala at kailangan nang agapan sa lalong madaling panahon.

Mga Suliraning Pangkapaligiran ng Pilipinas

Climate Change

  • Dahil sa pagtaas ng lebel ng mga "greenhouse gases", lumala ang climate change sa Pilipinas. Narito ang iba pang detalye tungkol sa sanhi ng climate change: https://brainly.ph/question/99136.
  • Ito ay nararamdaman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng El Nino, La Nina, sobra-sobrang init, pabago-bagong panahon, pagkatunaw ng mga "ice cap" sa mga malalamig na bansa, at iba pa.

Polusyon

  • Ang polusyon ay nangyayari hindi lamang sa hangin, kundi pati na rin sa lupa at tubig. Ang polusyon ay sanhi ng mga usok mula sa sasakyan, pagtatapon ng basura sa mga ilog at kung saan-saan, at iba pa.
  • Ito ay nararamdaman sa pamamagitan ng paglanghap ng maruming hangin, pagkatambak ng mga basura at pagkakaroon ng maruming anyong tubig.

Kakulangan ng Suplay ng Tubig

  • Dahil sa polusyon, limitado na ang malinis na tubig sa Pilipinas.
  • Dahil din sa "climate change", bumababa ang lebel ng tubig sa mga pangunahing anyong tubig sa Pilipinas na pinagkukuhanan ng tubig na ginagamit sa pang-araw-araw.
  • Ito ay nararamdaman sa pamamagitan ng kawalan ng tubig sa ilang bahagi ng bansa. Pinuputol ng mga kumpanya ng tubig ang suplay upang mapagkasya ang natitirang suplay ng tubig.
  • Dahil dito, marami sa mga Pilipino ang nagtitiis nang walang tubig na maiinom, mapanliligo, mapanghuhugas, at iba pa.

Pagkakalbo ng mga Bundok at Pagmimina at Pagmimina

  • Ang pagkakalbo ng mga bundo at pagmimina ay dahil sa mga pagtataguyod ng mga pansariling interes ng ibang mga tao. Pinuputol nila ang mga puno at binubungkal ang mga lupa upang ilegal na pagkakakitaan ang mga punong-kahoy at mga mina. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng nakararami.
  • Dahil sa pagkakalbo ng mga bundok, naging talamak na pagbaha sa iba't ibang parte ng bansa.  

Pagdami ng Basura

  • Ang pagdami ng basura ay nangyayari dahil maraming bagay ang minsan lang na ginamit at kailangan nang itapon kaagad. Kabilang sa mga ito ang mga bagay na hindi natutunaw kagaya ng plastic. Ang mga plastic ay natatambak lamang at matagal kung matunaw.
  • Dahil sa pagdami ng basura, naging talamak na ang pagbabara ng mga kanal at pagbabaha sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Mga Kailangan Gawin

Dahil dito, bawat isa sa atin ay kailangang kumilos upang maisalba ang ating bansa at ating kapaligiran. Ito ay sa pamamitan ng mga sumusunod na halimbawa:

  • Iwasan ang mga bagay na naglalabas ng greenhouse gases, kagaya ng pagsusunog, pagpaparami ng basura, sobrang paggamit ng kuryente, at iba pa.
  • Bawasan ang konsumo ng kuryente. Patayin ang mga ilaw at appliances na hinid naman ginagamit.
  • Huwag magtapon ng basura kahit saan.
  • Gawin ang 3R's: Reuse, Reduce, Recycle. Narito ang iba pang impormasyon tungkol sa Reuse, Reduce Recycle: https://brainly.ph/question/1105562
  • Gamitin nang wasto ang tubig. Patayin ang gripo kapag hindi ginagamit. Ipaayos ang mga tulo ng gripo. Gumamit ng tabo sa pagligo.
  • Narito ang iba pang paraan kung paano makatulong sa kapaligiran: https://brainly.ph/question/689220

Iyan ang mga detalye tungkol sa suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas.