Sagot :
MGA KAUGALIANG PILIPINO
PAGMAMANO SA MATATANDA
Ang pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino na kung saan ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng kamay ng nakatatanda saka inilalapat sa noo sabay sabing "mano po".
PAGKAKABUKLOD NG MAG-ANAK
Isa rin ito sa kaugalian ng mga Pilipino dahil kung mapapansin ay ang mga magkakamag-anak lalo na sa mga probinsya ay nakatira lamang malapi sa isat-isa.
AMOR PROPIO
Ang isang kaugalian din ng mga Pilipino ay ang pagpapahalaga sa sariling dignidad.
BAYANIHAN
Kilala ang mga Pilipino sa pagbabayanihan o pagtutulungan. Nakikita ito sa mga pagtutulungan kapag may nasisiraan ng sasakyan sa kalye, paglilipat bahay at iba pang gawain sa komunidad.
PAGHAHARANA
Ang paghaharana ay isang kaugalian din ng mga Pilipino na isinasagawa ng mga lalaki para ipahayag ang kanyang pag-ibig sa nagugustuhang dalaga.
PAMAMANHIKAN
Ang pamamanhikan ay isang kaugalian ng mga Pilipino na isinasagawa kapag nagdesisyon ang isang lalaki at babae na magpakasal. Pormal na hinihinga ng lalaki ang kamay ng babae sa harap ng mga magulang nito.
SIMBANG GABI
Kaugalian na ng mga Pilipino ang pagdalo o pagkumpleto sa siyam na simbang gabi tuwing Disyembre.
PALABRA DE HONOR
Isang kaugalian ng mga Pilipino na tumutupad sa mga binitiwang salita o pangako. Palabra De Honor ibig sabihin ay "may isang salita".
Dagdag na mga babasahin dito:
Kauglian sa pagpapangalan
https://brainly.ph/question/1667149
Kaugalian ng Vietnam
https://brainly.ph/question/555296
Kaugalian ng kapampangan
https://brainly.ph/question/262108