Sagot :
Sanaysay tungkol sa Nutrition Month
Ang nutrition Month ay ipinagdiriwang upang ipaalala sa ating lahat lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkain ng masustansyang pagkain, sapagkat sa panahon ngayon ay bibihira na lamang ang mga bata na kumakain ng gulay kung kakain man sila ay pili na lamang ang mga kinakain nila mas nawiwili silang kumain ng mga pagkaing may preservative, gaya ng de lata, Junk foods, at mga Frozen foods. kaya naman sa mga murang edad pa lamang nila ay sari saring sakit na ang dumadapo sa kanila, Maraming kabataan din ngayon ang nahaharap sa malnutrition dahil nga sa maling mga pagkain na nakakain nila sa araw araw. Kaya ipinagdiriwang ang Nutrition Month para ipamulat sa ating lahat na kailangan nating kumain ng masustansyang pagkain upang hindi tayo maging sakitin, kuminis ang ating balat at maging malakas, Sa ngayon mahal ang presyo ng mga gulay sa ating mga pamilihang bayan kung kayat ang iba sa atin ay tinatamad naring bumili nito, pero may mga paraan naman upang makakain tayo ng mga sariwang gulay na hindi na natin kaylangan bilhin, ang pagtatanim sa ating bakuran o kahit sa paso ay pwede rin. Masisiguro pa natin na sariwa talaga at walang kemikal ang ating kakainin. kalimitan sa ating mga kabataan ngayon kahit tayong matatanda ay ayaw sa mga gulay na kakaiba ang lasa lalo na ang ampalaya at alugbati ipaliwanag sa kanila na ang pagkain pangpasigla ay hindi nakukuha sa lasa kundi sa sustansya.
Para sa karagdagang kaalaman ang mga pagkaing dapat natin kainin ay nahahati sa tatlong grupo ang mga sumusunod:
- Go food
- Grow food
- Glow food
- Go Foods
Ito ay tumutukoy sa mga pagkain sagana sa carbohydrates ang mga halimbawa nito ay ang mga tinapay, cereals, pasta crackers,grains at iba pa
- Grow Foods
Ito ay tumutukoy sa mga pagkaing mayaman sa Protina na nakakatulong sa paglaki ng ating mga kalamnan at pagkahubog ng ating mga pangangatawan, gayon din pinalalakas nito ang ating mga buto ang halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod karneng manok, itlog,gatas, keso, mga beans at iba pa.
- Glow Foods
ito ay tunutukoy sa mga pagkain sagana sa Calcium at Bitamina A, Bitamina C at Iron, ito rin ang mga pagkain nag sisilbing proteksyon natin sa ibat ibang uri ng sakit, ang halimbawa ng mga pagkaing ito ay ang ibat ibang klase ng gulay at prutas.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
ang naging tema ng nutrition month noong 2018 https://brainly.ph/question/1600889
nutrition mont jingle https://brainly.ph/question/170513
slogan para sa nutrition month https://brainly.ph/question/32868