Answer:
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na "The Great War" dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpapabago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Unang ginamit ito ang sandatang kemikal at pagbomba sa sibilyan mula sa himpapawid. Malawak ang suliranin at pagbabagong idinulot nito. Tinatayang may 10 milyong sundalo ang namatay at 21 milyon ang sugatan dito. Milyong sibilyan ang nakaranas ng trauma ng digmaan. Matindi ang taggutom sa Europe gayundin ang kawalan ng damit, gasolina at iba pang pangangailangan. Marami rin ang namatay sa epidemic influenza na tumama sa mga bansang kasangkot sa digmaan.. Milyon-milyong halaga ng ari arian ang nasira. Malaking bahagi ng imprastraktura sa Europe ay nawalan din. Bumagsak ang ekonomiya ng Europe.
Nagdulot naman ang digmaan ng oportunidad sa kababaihan. Ang dating trabaho ng mga lalaki ay na isalin sa babae. Habang nasa digmaan ang mga lalaki nag trabaho ang mga babae sa bukid at mga pabrika. Nagtrabaho rin sila bilang mga driver, clerk sa bangko, technician sa laboratoryo at kusinera sa mga kampo at ospital.
Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel ng kababaihan sa lipunan noong panahon ng digmaan. Dahil dito naghangad ang maraming babae na makapag-aral, makapagtrabaho at magkaroon ng karera bilang mga propesyonal.
brainly.ph/question/1294027