20 halimbawa ng salawikain

Sagot :

Ang mga salawikain ay tinatawag ding kawikaan at kasabihan. Narito ang 20 halimbawa ng salawikain:

  1. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
  2. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
  3. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
  4. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
  5. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
  6. Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
  7. Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling.
  8. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
  9. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
  10. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
  11. Ang araw bago sumikat, nakikita muna ang banaag.
  12. Ang gawa ng pagkabata, dala hanggang pagtanda.
  13. Pag di ukol ay di bubukol.
  14. Kung sino ang masalita, ay kulang sa gawa.
  15. Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
  16. Kapag ang tao ay matipid, maraming naililigpit.
  17. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
  18. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
  19. A ng tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
  20. Ang magalang na sagot, ay nakakapawi ng poot.

Kung nais ng higit pang halimbawa ng salawikain, magtungo sa mga link na ito:

  • https://brainly.ph/question/18148
  • https://brainly.ph/question/148653
  • https://brainly.ph/question/314335

Katangian ng Salawikain

Sa ilan tinatawag itong karunungan. Ito ay mga maigising pangungusap, kadalasang isang pangungusap lamang. Ang kahulugan nito ay malalim, nakapagtuturo at laging madaling matandaan ang aral sa pang-araw- araw na pamumuhay.

Ang kahulugan nito ay hindi naluluma kung kaya laging may damdamin at sang-ayon sa lahat ng panahon. Maraming mga kuwentuhan sa ngayon na gumagamit ng salawikain, pero tinatawag na nila bilang hugot lines.

May iisang kahulugan ang mga ito. Nabuo ang mga ito ng ating mga ninuno mula sa kanilang karanasan at sa tiyakang resulta ng pagpili ng mga desisyon. Pinag-aaralan ito sa bilang bahagi ng kurikulum sa Filipino bilang pagpapayaman sa ating minanang kultura.