Sagot :
Piksyon at Di-Piksyon
Halimbawa ng Di-Piksyon sa Literatura:
- Talumpati
- Balita
- Kasaysayan
- Historya
- Anekdota
- Talambuhay
Halimbawa ng Piksyon sa Literatura:
- Epiko
- Alamat
- Kwentong Barbero
- Nobela
- Mitolohiya
- Parabula
- Tula
- Maikling Kwento
Ang mga Di-piksyon ay mga tekstong naglalaman ng mga katotohanan o mga napatunayang mga bagay. Ito ay maaring ibinase sa totoong:
- Pangyayari
- Tao
- Buhay
Madalas sa mga ito ay nagpapakilala sa mga taong higit na nakapagambag sa kasaysayan kung kaya’t ito ay nakapaloob na sa mga sulatin o mga librong pang-paaralan.
Ang mga piksyon naman ay mga bagay na nagawa lamang sa imahinasyon ng isang tao, dahil ito ay:
- Hindi makatotohanan
- Malayo sa totoong pag-iisip o pag-gawa
- Madalas ng naglalaman ng mga supernatural na kakayahan o sitwasyon na malayong mangyayari sa totoong buhay.
Ang dalawang ito ay madali lamang makilala pagdating sa mga teksto o mga literature dahil malaki ang kanilang pagkakaiba. Ngunit sa ibang pagkakataon ang mga di-piksyon ay ginagawang piksyon, halimbawa nito ay ang pagbibigay ng mga hindi makatotohanang bagay upang mapaganda at mas mabigyan puro ang kakayahan ng isang tao.
O kaya naman ang piksyon ay nilalagyan ng mga di-piksyon na gawa o personalidad, halimbawa nito ay ang pag-aanimate sa mga tauhan ngunit paglalagay ng mga makatotohanang ga kwentong buhay at kakayahan tulad nang sa mga makabagong laro ngayon.
Para sa iba pang impormasyon:
https://brainly.ph/question/101274
https://brainly.ph/question/111510
https://brainly.ph/question/1282416
#LearnWithBrainly