Ang ibig sabihin ng SANDUGUAN ay isang sinaunang ritwal dito sa Pilipinas na nilalayong magtatak o maselyuhan ang pagkakaibigan o kaya'y kasunduan, o kaya'y para patunayan ang kasunduan.
Sa sanduguan, ang bawat partido o kaya'y kasapi sa sanduguan ay hihiwain (cut) ang kani-kanilang galanggalangan (wrists) at pagkatapos ay ibubuhos ang kanilang mga dugo sa isang kopa (cup) na puno ng likido (liquid) gaya ng alak, at pagkatapos ay iinumin nila ang pinaghalog alak at ang kanilang mga dugo.
Ang tawag sa sanduguan sa English ay --- BLOOD COMPACT.