Sagot :
Ang monsoon ay terminong ginagamit sa hangin at iniuugnay sa pag-ulan. Kaya madalas kapag tag-ulan, ang tawag ng mga tao ay panahon na ng monsoon. Pero sa ngayon, kadalasan na hindi lang ulan ang dala nito kundi malalakas na may kasamang pagkulog at pagkidlat pa, o di kaya ay mga buhawing nakapipinsala.
Malimit na ang monsoon ay nangyayari dahil sa malawakang hangin na galing sa dagat, at ito ay mangyayari kapag mas mainit o malamig ang temperatura ng lupa kaysa sa dagat. Nangyayari ito sapagkat magkaiba ang kakayahan ng lupa at dagat sa pag-imbak ng init mula sa araw.
Pero dapat tandaan na ang salitang monsoon ay hindi lang ginagamit sa panahon ng tag-ulan dahil kung tutuusin, ang salitang ito ay may yugto rin sa panahon ng tag-init. Ito ay depende sa kalagayan ng temperatura sa lupa at sa dagat.
Kung minsan naman, ang salitang ito ay naririnig natin sa mga magsasaka at tindera ng mga produktong agrikultura.Ayon sa kanila, kapag ka monsoon raw, mas mahal ang mga bilihin dahil malaki ang pangangailangan pero kaunti lang ang suplay dahil sa hindi magandang epekto ng pahanon sa mga pananim.