Sagot :
Answer:
Isa sa ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon natin ng isang mapagmamalaki, itinataas, pinagpipitaganan, bayani, magaling, matalino at marami pang iba. Napaka swerte natin dahil siya ang ating pambansang bayani. Sino pa nga ba kundi si Dr. Jose Rizal. Mula sa kanyang mga aral , kasabihan, paniniwala, mga nagawang kabutihan, mga aklat at nobela, masasalamin natin ang mga naiambag ni Rizal. Ito ang mga naging dahilan kung bakit nagising ang mga nakatagong pag-iisip nag mga Pilipino noong panahon na nasa ilalim tayo ng pamamahala ng mga Kastila.
Bayani talagang maituturing si Dr. Jose Rizal dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay upang ang kalayaan ay makamit. Ang pagkamatay niya ang isa rin sa dahilan kaya nagsunod- sunod ang mga hanay pa ng mga bayani upang maipagtanggol ang bansang Pilipinas.
Nararapat talagang ito'y ating pagtuunan nang pansin dahil hidi biro ang pagsasakripisyo niya. Kaya bilang kabataan huwag nating sayangin ang kaniyang sinimulan. Sabi nga niya "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" Ipakita natin bilang isang kabataan na kaisa niya tayo sa kanyang mga adhikain. Ipagpatuloy natin ang kanyang nasimulan. Huwag natin hayaang tayo ang maging dahilan nag pagkasira ng ating bayan. Simulan natin sa ating sarili ang pagiging isa rin bayani tulad ni Gat. Jose P. Rizal.
Explanation:
Sana Makatulong
sorry kung mahaba kasi yan talaga ang nakapaloob sa kanya