Gawain 1 Panuto: Basahin ang halimbawa ng balita sa ibaba. Salungguhitan ang wastong salita sa loob ng panaklong na bubuo sa bawat pangungusap. MANILA, Philippines - Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa (1. pagdaraos, pagdiriwang) ng (2. kaunting, limitadong) face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones. Tiniyak naman ni Briones na ito'y isasagawa lamang sa mga lugar na may minimal risk ng COVID-19 infection. Ang mga nasabing lugar ay (3. hahanapin, tutukuyin) ng Department of Health at DepEd. Hindi rin araw-araw ang gagawing face-to-face classes kundi kalahating araw lamang at every other week." Sa inaprubahang guidelines, ang mga Kindergarten classes ay magkakaroon lamang ng 12 estudyante habang ang Grade 1-3 classes ay papayagan ang 16 students na ang mga klase ay tatagal ng hanggang tatlong oras. Ang mga Technical vocation classes ay papayagan hanggang 20 estudyante. Titiyakin din na magkakaroon ng space for distancing." Paglilinaw pa ng (4. kalihim, kasama), hindi pa nila (5. natalas, tukoy.) kung kailan nila ito sisimulang (6. ipalunsad, ipatupad) Paliwanag niya, kinakailangan pa rin kasing aprubahan ng host local government unit ang pagbabalik-klase ng mga estudyante sa kanilang lugar. Bukod dito, kailangan ding magbigay ng kanilang consent o permiso ang mga magulang at mga guardians na pabalikin na ang kanilang mga anak sa paaralan. Tiniyak naman ng DepEd na hindi nila (7. pipilitin, pupuwersahin) ang mga mag-aaral kung ayaw ng mga ito na (8. bumisita, dumalo) sa pilot implementation ng face-to-face classes. Nasa 28 milyong mag-aaral ang (9. nagpatala, nagpsama) para sa School Year 2021-2022, na mas (10. malago, mataas) kaysa 26.2 milyon na naitala noong nakaraang taon.​