PAGTATAYA Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra sa ibaba na siyang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ito sa patlang bago ang bilang. A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa aspektong Ekonomikal. B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa aspektong Politikal. C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyo-Kultural.
_____ 1. Pagtatag sa Batavia bilang base para sa monopolyo ng rekado ng mga Dutch. _____ 2. Sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang edad 16 hanggang 60 sa ilalim ng Polo y Servicio. _____ 3. Paggamit ng patakarang divide and rule ng mga Dutch sa Indonesia upang mapasunod ang mga isla sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa mga lokal na pinuno. _____ 4. Tuwirang pamamahala ng Spain sa Pilipinas sa pagtatalaga ng isang gobernador-heneral na siyang kumakatawan sa hari. _____ 5. Binigyang-katwiran ng Spain ang pagsakop nila sa Pilipinas bilang paraan upang gawaing Katoliko ang mga katutubo at nang sa gayon ay mailigtas ang mga kaluluwa nito. _____ 6. Pagkontrol sa ilang mga daungan o sentrong pangkalakalan ng mga Portuguese, Dutch at kalaunan ng mga British sa Malaysia dahilan sa paghihirap ng maraming mga katutubo. _____ 7. Ang mga pangunahing daungan sa Macao at Taiwan ay napasailalim ng mga Portuguese. _____ 8. Pagkawala sa karapatan ng mga katutubong pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan mang maglingkod ngunit sa pinakamababang posisyon. _____ 9. Natuto ang mga katutubong Pilipino ng wikang Espanyol at pagdaros ng mga pagdiriwang na may kaugnayan sa Kristiyanismo. _____ 10. Pagliit ng kita ng mga katutubong Indones dahil sa pagkontrol sa kabuhayan ng mga dayuhan sa pamumuno ng Dutch East India Company.
pasagot po nonsense or copy paste question auto report correct answer auto brainliest