Direksiyon: Piliin ang tamang sagot mula sa listahan ng mga salita na tinutukoy ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.( 3 puntos/bilang)

A.Listahan ng mga salita.
a. Nasyonalismo b. Swadeshi o “sariling bansa” c. Pasibong Nasyonalismo
d. Pan-Arabism e. Rowlatt Act f. Aktibong Nasyonalismo

B. Mga pahayag.
________1. Ito ay tumutukoy sa kamalayan ng isang lahi na sila ay may kasaysayan, kultura, mithiin at pagpapahalaga.
________2. Ito ay tumutukoy sa modernong salitang ginagamit para sa pulitikal na pagkakaisa ng mga bansang Arabo sa Kanlurang Asya.
________3. Sa batas na ito, ang pamahalaang Britanya ay pinagkalooban ng karapatang supilin at ikulong ang dalawang taon na walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng pamahalaang Ingles.
________4. Ito ang tawag sa paraan ng pag boycott/boycott sa lahat ng mga produktong British sa India.
________5. Ito ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan o bansa sa mapayapang paraan.