Sagot :
Sa iyong palagay bakit kaya kinakailangan ng isang bansa na makipag alyansa sa iba pang bansa?
- Umiiral ang mga alyansa upang isulong ang mga kolektibong interes ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang mga kakayahan — na maaaring pang-industriya at pananalapi pati na rin militar — upang makamit ang tagumpay ng militar at pulitika. Ang mga bansa ay bumubuo ng mga alyansa para sa iba't ibang mga kadahilanan ngunit pangunahin para sa kooperasyong militar, kapwa proteksyon, at pagpigil laban sa mga kalaban.
Hope it helps..
Answer:
Ang pakikipag-alyansang militar ay isang kasunduan na ginawa para sa kapakanan ng seguridad ng magka-alyadong mga bansa. Nagkakaroon ng kasunduan na ang bawat bansa bansa na magka-alyado, ay poprotektahan nila at susuportahan ang isa't-isa sa anumang krisis na maaaring mangyari ng di-inaasahan sa hinaharap.
Noon pa man, marami ng alyansang pang militar ang nabuo. Isa sa mga kilalang alyansang pang militar ay noong panahon ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang mga sumusunod na alyansa:
Unang Digmaang Daigdig:
Ang Entente (o Triple Entente) at ang Allies-- United Kingdom, France, New Zealand, Australia, Russia, Romania, United States.
Ang Central Powers -- Germany, Austria-Hungary, Ottoman Empire, Bulgaria.
Ikalawang Digmaang Daigdig:
Ang Axis -- Germany, Japan, Italy, at iba-pa.
Ang Allies -- United Kingdom at ang Commonwealth, France, United States, Soviet Union, Republic of China, at iba pa.
Maging hanggang sa ating modernong panahon, may mga kilala pa ding alyasang pang militar. Ito ay ang mga sumusunod:
North Atlantic Treaty Organization (NATO) -- United States, United Kingdom, Canada, malaking bahagi ng Western Europe at Central Europe, ilang bahagi ng Eastern Europe, at Turkey.
Collective Security Treaty Organization (CSTO) -- Russia, Belarus, Armenia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan
Common Foreign and Security Policy and European Security and Defence Policy (ESDP) of the European Union.
At marami pang iba.
Explanation:
HOPE IT HELPS :)
Enjoy ;)