A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 50 minuto)
Panuto: Bumuo ng sanaysay hinggil sa mga kaisipang mula sa mga kabanatang binasa na may kaugnayan sa:

A. Kabuluhan ng edukasyon
B. pamamalakad sa pamahalaan
C. pagmamahal sa Diyos
D. Pagmamahal sa bayan
E. Pagmamahal sa kapwa-tao
F. Pagmamahal sa pamilya
G. Karapatang pantao

Sundin ang sumusunod na gabay sa pagsulat
Binubuo ng 3 talata
Unang Talata-paglalahad ng pangyayari sa kabanata kung saan hinago ang kaisipan
Ikalawang talata-pagtalakay sa kaisipan Ikatlong Talata-paglalahad ng iyong saloobin o damdamin tungkol sa kaisipang ibinahagi​


Sagot :

A. KABULUHAN NG EDUKASYON

Pinapakita sa ika-dalawampu’t pitong kabanata ng El Filibusterismo, isang nobelang isinulat ni Dr Jose P Rizal, na ang edukasyon ay maaaring maituring na isang armas. Ipinapagkait ito ng mga prayle sa taumbayan bilang isang paraan upang hindi magtanong at maghimagsik ang mga ito sa mapang-abusong pa.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.