Pagbigay ng KAHULUGAN:Ibigy ang kahulugan ng Nasyonalismo​

Sagot :

Answer:

-kahulugan ng nasyonalismo :

Ang nasyonalismo ay isang ideyolohiya na nagpapakita ng maalab na pagmamahal ng mga tao sa sarili nilang bansa. Ito ay nagpapakita ng matinding debosyon at katapatan ng mga indibidwal sa kanilang bayan, lalo’t higit sa pagpapanatili ng kultura at mga tradisyon nito. Sa madaling salita, ang nasyonalismo ay tumutukoy sa katangian ng pagiging makabansa o makabayan. Ang konseptong ito ay tumutukoy din sa kagustuhan ng mga mamamayan na makalaya mula sa impluwensya ng mga bansang nanghihimasok sa mga desisyon ng gobyerno. Sa pagiging malaya mula sa ibang bansa, mas nagkakaroon ng kontrol at boses ang mga mamamayan sa pamahalaan.

Explanation:

Hope it helps