Ano-ano ang alam mo? Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko? a. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko. b. Malusog na paglaki ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal. c. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig. d. Lahat nang nabanggit. 2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, alin sa mga sumusunod ang puwede mong gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas at gulay at mga tirang pagkain? a. Lumang kariton. b. Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan. c. Kahong gawa sa karton. d. Maliit na balde. 3. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang nauunang gawin? a. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay. b. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip. c. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim. d. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas. 4. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito? a. Maganda ang texture at bungkal (tilt) b. Malambot c. Hindi mabilis matuyo d. Matigas 5. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura? a. Limang araw b. Dalawang linggo c. Isang buwan d. Dalawang buwan