1. Batay sa iyong mga napag-aralan, pumili ng isa sa mga sitwasyong nakalista at isulat kung ano ang iyong gagawin: a. Bumili ka ng cellphone at pagkatapos ng ilang araw, nadiskubre mong may sira ang iyong nabili. b. Kumain kayong mag-anak sa isang karinderya at nakitang may insekto sa inyong inorder na pagkain. c. Bumili ng uniporme online para sa iyong anak at ang sukat ay iba sa nakalagay sa advertisement. 2. Magbahagi o magsulat ng isa sa iyong mga responsibilidad bilang konsyumer.​

Sagot :

Bakit mahalaga ang pagkilos sa sitwasyon?

Bawat araw, tayo ay maaaring mapaharap sa isang kalagayan na kailangan natin magdesisyon agad. Makakabuti na makapag-isip agad tayo ng paraan kung paano ang gagawin hinggil sa isang bagay. Pero kung karapatan naman natin na kumilos agad, mahalaga na bigyang aksyon ito. Nasa atin naman kung paano tayo kikilos.

Sitwasyong A:

Ang gagawin ko dito ay kikilos agad na pumunta sa bilihan ng cellphone para mapaayos ko ito dahil mayroon itong tinatawag na warranty o kaya naman maaaring palitan ito. Makikipag-usap ako sa maayos at mahinahon na paraan upang mapakiusapan ko ito at makamtan ko ang nararapat para sa akin. Hindi nga ito dapat ipagpaliban dahil may araw lang ito kung hanggang kailan. Ang pagkilos na ito ay nararapat lamang nating gawin sapagkat karapatan natin ito bilang mga mamimili.

Alalahanin ang mga ito:

Tayo mga konsyumer o mga customer ay may karapatan sa mga serbisyo at produkto na natatanggap natin. Pero dahil may mga bagay na kailangan ibalik ito ay pribilehiyo natin para patuloy na manatili ang satisfaction natin. At isa pa, magdudulot rin ito ng magandang impresyon sa isang negosyo dahil sa pagkakaroon ng ganoong patakaran na para sa kapakinabangan ng mga mamimili.

Kung may ninanais ka pang impormasyon, puwede ka pang magtungo dito:

Mga karapatan ng mga mamimili:

brainly.ph/question/376685

brainly.ph/question/411581

#SPJ2