saang larangan kilala o sikat si jose rizal​

Sagot :

Answer:

Si Dr. Jose Rizal ay nakilala sa larangan ng pagsusulat ng nobela. Isinulat nya ang Noli Me tangere at El Filibusterismo. Ang dalawang nobelang ito ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Naging instrumento din ang mga ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

Noli Me Tangere

Ito ang unang nobelang isinulat ni Jose Rizal na inilathala noong 1887. Ito ay mula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Ito ay orihinal na nakasulat sa salitang Kastila. Sinimulan itong isulat ni Rizal sa Madrid, Espanya at natapos nya ito sa Berlin, Alemanya. Ang aklat na ito ay bumuo ng kontrobersiya at inabisuhan si Rizal na ito ay puno ng subersibong ideya.

El Filibusterismo

Ito ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal na karugtong ng Noli Me Tangere. Ito ay isinulat niya bilang pag-alala sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora o mas kilala sa tawag na GomBurZa. Ito ay orihinal din na nakasulat sa salitang Kastila. Sinimulan niya itong isulat sa Calamba Laguna noong Oktubre, 1887 at natapos niya ito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz.