Sagot :
Answer:
Sa ekonomiks ay may dalawang sangay na tinatawag na makroekonomiks at maykroekonomiks. Sa aking pagkakaintindi ayon sa aking mga natutunan, ang makroekonomiks ay ang sangay kung saan ang kabuuan ng ekonomiya ang pinag-aaralan
Answer:
Sa ekonomiks ay may dalawang sangay na tinatawag na makroekonomiks at maykroekonomiks. Sa aking pagkakaintindi ayon sa aking mga natutunan, ang makroekonomiks ay ang sangay kung saan ang kabuuan ng ekonomiya ang pinag-aaralan. Ang makro ay hango sa salitang Griyego na nangangahulugang malaki. Kaya naman kung pinagsama ang makro at ekonomiks ay tinitignan nito ang kabuuan o kalakihan ng ekonomiya ng isang lipunan. Kabilang sa mga pinag-aaralan sa makroekonomiks ang istruktura, galaw, at ugali ng isang bansa pagdating sa kabuuang ekonomiya nito. Sakop nito ang pangkalahatang mga produkto at serbisyo, maging na rin ang pag-aaral sa antas ng kawalan ng trabaho, at ang pagtatakda ng mga presyo.