Gumawa ng isang liham sa tauhang pinag-uusapan sa sitwasyon sa ibaba.
Si Aira ay nahihirapan sa klase dahil hindi niya agad maintindihan ang itinuturo ng mga guro lalo na sa Math. Tuwing umuwi siya sa bahay ay napag-alaman mong lagi siyang nanonood ng Koreanovela sa halip na mag-aral ng leksyon. Nasabi niya sa iyo na gusto niyang maging magaling na enhinyero pero alam mong mahina siya sa Math. Ano ang maipapayo mo kay Aira na dapat niyang gawin upang maabot ang kanyang mithiin? Gumawa ka ng sulat na nagbibigay ng payo sa kanya.