Sagot :
Answer:
ANG PROBATION AY ISANG PRIVILEGE O OPPORTUNITY BINIBIGAY SA ISANG TAO NA NAHATULAN NG KORTE SA ISANG KRIMEN NA HINDI MAKULONG AT PAGDUSAHAN ANG KANYANG HATOL SA PAMAMAGITAN NG COMMUNITY SERVICE AT IBA PA. ANG AKUSADONG NAHATULAN AY PWEDENG MAG-APPLY NG PROBATION SA KORTE KUNG SIYA AY HINDI NA NAG-APPEAL SA KANYANG CONVICTION AT HINDI SIYA DISQUALIFIED DITO.
Ang hatol o parusa sa paggawa ng isang krimen ay laging may karampatang pagkakulong/imprisonment o pagbabayad ng fine or both. Ang pagkakulong ng isang kriminal ay ginagawa upang protektahan ang society upang hindi na muli siya makagawa ng krimen at upang siya ay baguhin o i-rehabilitate upang maging mabuting mamamayan muli. Dahil ang criminal justice system natin ay para sa rehabilitation ng isang nagkasala sa lipunan, may mga pagkakataon na binibigyan ang mga akusadong nahatulan ng parusang kulong o fine ng pangalawang pagkakataon at magbagong buhay sa pamamagitan ng ating Probation Law otherwise known as Presidential Decree No. 1990, as amended.
Alam nyo ba na ang isang tao na nahatulan ng korte ng parusang kulong na mababa sa six (6) years ay pwedeng mag-apply ng probation sa korte kung saan ang kanyang sentensiyang kulong ay isususpendi ang pagpapatupad at siya ay papayagan na manatiling malaya sa kundisyon na siya ay sumunod sa mga utos at regular na magreport sa office ng probation officer. Kasama sa mga terms and condition na gagawin ng isang nabiyayaan ng probation ang paggawa niya ng community service at pangakong magtapos ng pag-aaral o pagtratrabaho. Ang isang akusado na gustong kumuha ng probation ay kailangan na mag-apply sa korte na nagbigay sa kanya ng hatol at ang pag-apply niya nito ay considered na waiver na niya ng kanyang right to appeal sa decision ng korte.
Ngunit ang probation ay binibigay lamang sa mga akusado na hindi disqualified na kumuha nito. Ayon sa Section 9 ng P.D. 1990, ang mga taong ito ay disqualified na kumuha ng probation:
Sec. 9. Disqualified Offenders. — The benefits of this Decree shall not be extended to those:
(a) Sentenced to serve a maximum term of imprisonment of more than six years;
(b) Convicted of subversion or any crime against the national security or the public order;
(c) Who have previously been convicted by final judgment of an offense punished by imprisonment of not less than one month and one day and/or a fine of not less than Two Hundred Pesos;
(d) Who have been once on probation under the provisions of this Decree; and
(e) Who are already serving sentence at the time the substantive provisions of this Decree became applicable pursuant to Section 33 hereof.
Explanation:
hope it helps?