Answer:
Propesyon
Ang propesyon o ang isang katungkulang iyong ginagampanan, makakamit mo ang magandang propesyon sa pamamagitan ng pagtatapos mo ng iyong pag-aaral, kaya nga sinasabing ang idukasyon daw ang susi sa ang magandang kinabukasan,sa medaling sabi ang edukasyon ang siya ring susi sa pagkamit ng propesyon na nais natin. Ang mga taong nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ay tinatawag na mga propesyonal.
Misyon
Ang Misyon ay tumutukoy sa ating mga hangarin layunin ,tungkulin na dapat nating gampanan, bawat tao ay merong misyon o hangarin sa buhay, kanya kanya tayo ng pamamaraan kung paano natin ito isasagawa o isasakatuparan, basta ang mahalaga ang misyong ito ay makabubuti lagi sa ating kapuwa at makatutulong upang mas mapaunlad mo pa ang iyong sarili.
Ang Propesyon at Misyon ay laging magkaugnay, kung meron kang propesyon nangangahulugan lamang na meron kang misyon na dapat gampanan, halimbawa ang propesyon ng isang Guro ang misyon niya ay ibahagi ang kanyang mga kaalaman sa mga kabataan, ang propesyon ng isang pulis o sundalo ang misyon niya ay ipagtanggol ang bansa at ang taong bayan.
Explanation:
hope it helps dont forget po pa brainliest kung okay lang need po kasi