Sagot :
Answer:
PAG-UNAWANG LITERAL AT INTERPRETASYON
1. MAGANDANG! UMAGA❤ Nag-uulat: Mary Grace B. Ayade
2. PAG-UNAWA/ KOMPREHENSYON Ito ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto.
3. URI NG PAG-UNAWA O KOMPREHENSYON
4. Apat na kategorya sa pag-unawa ayon kay Smith. 1. Pag-unawang Literal 2. Interpretasyon 3. Kritikal at mapanuring pagbasa 4. Malikhaing pagbasa
5. PAG-UNAWANG LITERAL • Nakapokus sa mga ideya o impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto. • Ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alala sa mga impormasyon at detalyeng nakapaloob sa babasahin.
6. • Tumutukoy sa pinakamababaw na kahulugan ng isang salita o alinmang pahayag. Lantad ang kahulugan na tinutukoy ng ganitong pang-unawa. • Bagamat nangangailangan lamang ito ng mababang antas ng pag-iisip mahalaga ito bilang pundasyon ng mataas na antas ng pag-iisip.
7. 1. Kailan at saan naganap ang kuwento? 2. Anong uri ng paglalakbay ang kanilang isasagawa HALIMBAWA NG MGA TANONG SA PAG-UNAWANG LITERAL:
8. INTERPRETASYON • Nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip • Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang. • Upang masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin.
9. • Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may akda. • Paraan upang makilala ang tunay na hangarin at layunin ng may-akda.
10. Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig Pagkuha ng pangunahing ideya Paghihinuha Pagbibigay ng konklusyon Pagbibigay ng paglalahat Pagkilala sa sanhi at bunga Pagkilala ng pagkatulad/pagkakaiba Ilan sa mga kasanayan sa pagbasa sa kategoryang ito ay ang sumusunod: