1. Ano ang pinapaksa ng Ibong Adarna?

A. Pinapaksa nito ang kataksilan ng mga lahing kumakalaban sa mga Kastila

B. Pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at kapangyarihan

C. Pinapaksa nito ang pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga maharlikang tao

D. Paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan at relihiyong Kristiyanismo

2. Ano ang ginawa ng mga Kastila sa mga akdang pampanitikang naabutan nila sa Pilipinas?

A. pinarusahan ang mga taong nagsusulat nito

B. pinalaganap sa buong kapuluan

C. sinunog nila ang mga ito

D. ginawang kasangkapan upang palaganapin ang Kristiyanismo

3. Anong uri ng tulang romansa ang Ibong Adarna?

A. Awit

B. Romansa

C. Korido

D. Allegro

4. Sino ang sinasabing sumulat ng akdang Ibong Adarna?

A. Jose Villa Panganiban

B. Francisco Balagtas

C. Jose dela Cruz

D. Miguel Lopez de Legaspi

5. Ano ang pinagkaiba ng Awit at Korido batay sa anyo?

A. Ang awit ay binubuo ng 8 pantig at ang korido ay 12 pantig

B. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante

C. Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro

D. Ang awit ay binubuo ng 12 pantig at ang korido ay 8 pantig

note: may space na po ung mga choises para po mas maintindihan nyo po >_<
<3​