Bakit lumaban si Lapulapu at ang mga tao sa Mactan?

Sagot :

Bakit lumaban si Lapulapu at ang mga tao sa Mactan?

  • Hayagang sinabi ni Lapu-Lapu na hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng mga Kastila. Ito ay ikinapuyos ng galit ni Magellan.Hatinggabi ng Abril 26, 1521, 60 sandatahang Kastila sa pamumuno ni Magellan, kasama ang 1,000 kapanalig na mga Cebuano sa pangunguna ni Raha Humabon, ang sumalakay sa isla ng Maktan.

  • Upang makamit ng kalayaan. Sapagkat ang mga espanyol ay nais na masakop Ang pilipinas

  • Gusto ni Magellan mapunta sa kanya o sakupi n ang Cebu kaso ayaw ito ni Lapu Lapu kaya sila naglaban

Mahahalagang impormasyon tungkol kay lapu lapu.​

Si Lapu lapu (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes, Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.

Paano naging bayani si lapu-lapu

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapu-lapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.