Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon at sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Gawin
ito sa sagutang papel.
High School Dance ni Celine
Papalapit na ang high school dance sa paaralang pinapasukan ni Celine. Sabik ang lahat
at abalang-abala sa paghahanda. Hindi mayaman ngunit hindi rin
naman mahirap ang pamilyang pinanggalingan ni Celine. Nabili na
ng kanyang magulang ang damit at sapatos na susuotin niya,
ngunit nagpapabili pa ito ng kwintas para daw tumingkad ang
kanyang kagandahan. Sinabihan siya ng kanyang nanay na
humiram na lang siya sa pinsan niyang si Britney dahil hindi na nila
kakayanin na ibili pa nila ito. Lumiwanag ang mukha ni Celine at
pumayag ito sa iminungkahi ng ina. Dumating ang araw ng high
school dance at naging angat nga ang bihis ni Celine.
Nagpakasaya siya ng gabing iyon. Hindi namalayan ni Celine na
wala na sa leeg niya ang kuwintas, at hindi sinabi sa magulang ang katotohanan na
nawala niya ito. Sinikap ni Celine na makaipon ng pera para mapalitan niya ang kuwintas
Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay nagpapatunay ng pagkakaroon ng
komitment sa katotohanan at ng mabuti at matatag na konsensiya. May layunin itong
maibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya gabay ang diwa ng pagmamahal.
11
na nawala, nagtipid siya ng baon halos hindi na siya kumakain. Tubig na lamang ang
kanyang iniinom pamatid uhaw at gutom.
Gabay na tanong:
1. Ayon sa kuwento, anong uri ng pagtatago ng katotohanan ang ginawa niya? Ano ang
natutuhan mo sa kwento?