1. Itinuring na "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas. A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen C. Magna Carta ng 1215 D. Universal Declaration of Human Rights
2. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. 1. Magna Carta 2. First Geneva Convention 3. Cyrus' Cylinder 4. Universal Declaration of Human Rights A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234
3. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas? A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya. B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan. C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng "kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan"? A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol B. Pag-anib sa mga people's organization tulad ng samahang Gabriela at CARE Philippines C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan?
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan? A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran B. Ang karapatan sa pagtulong at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa pagsagip ng ating kapaligiran. C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran. D. Lahat ng nabanggit.
6. Sa Pilipinas, may pangunahing tungkulin ito na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. A. Global Rights B. Asian Human Rights Commission C. Commission on Human Rights D. African Commission on Human and People's Rights
7. Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan, itala at ilantad ang mga pagabuso sa karapatang pantao. A. Global Rights B. Asian Human Rights Commission C. Commission on Human Rights D. African Commission on Human and People's Rights
8. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya. A. Global Rights B. Asian Human Rights Commission C. Commission on Human Rights D. African Commission on Human and People's Rights
9. Ang motto nito ay "It is better to light a candle than to curse the darkness. C. HRAC A. NGO D. PAHRA
10. Ito ay mga karapatang ipinagkaloob at pinapangalagaan ng Estado. A. Constitutional Rights B. Natural Rights C. Natural Rights D. Karapatang Sosyo-ekonomika