Sagot :
Answer:
Bilang isang mag-aaral ng kursong ito, mas lalo nitong pinag-igting ang aking kaalaman kung paano nga ba ang epektibong pagtuturo. Hindi lang pala ito ang simpleng pag-aaral upang ikaw ay matuto na ibahagi ang mga kaalaman sa mga mag-aaral mo. Marami pala ang proseso ang nakapaloob dito.
Dahil sa mga nakaraang karanasan ko bilang estudyante, marami akong nabuong paniniwala kung paano ang epektibong pagtuturo. Sa kursong ito, natutunan kong usisain ang aking mga paniniwala at palagay kung paano ang mabisang paraan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na matuto. Nararapat pala na kilalanin ko ang aking sarili at isaalang-alang ang mga pangangailangan ng aking mga mag-aaral (cognitive, social, emotional) bago ako bumuo ng mga gawaing pampaaralan. Ang mga pangangailangang ito ay ‘di dapat makita bilang kakulangan, bagkus ay mga pinagmumulan ng mga gawaing magbibigay oportunidad sa mga mag-aaral na mapagbuti ang kanilang karunungan. Ang mga gawaing ito ay kinakailangang malikhain ngunit kapakipakinabang din. Nararapat na ang mga gawaing ipapabaon natin sa ating mga mag-aaral ay yaong magagamit din nila sa labas ng paaralan.
Naniniwala ako na tungkulin ng mga guro ang walang humpay na paghahanap ng mga kaalamang makatutulong sa kanilang propesiyon. Ngunit sa kabilang banda, napapaisip ako sa mga programang kinakailangang bayaran pa ng ating mga guro mula sa kanilang mababang suweldo. Dahil sa kursong ito, kasama ang aking mga kaklase at FIC, natulungan nila akong baguhin ang aking pananaw. Napagtanto ko ang kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba, na kailangang ilagay ko ang aking sarili sa sapatos ng isang mag-aaral (habang-buhay), na walang katapusang naghahanap ng kasagutan para sa ikauunlad ng kaalaman. Sa tulong ng mga taong nakahalubilo ko sa kursong ito, kasama ng aming guro, nakakita ako ng iba’t-ibang perspektibo na siyang aking nagamit sa aking critical reflection (na akin ding natutunan sa kursong ito). Sila rin ang tumayong PLC sa akin (ngayong wala pa akong karanasan sa pagtuturo) na nagbigay ng kanilang suporta upang mas lalo ko pang pag-igihan ang aking mga ginagawa. Ang mga gawaing ibinibigay sa kursong ito ay mistulang paggamit din ng konsepto ng SOTL, kung saan ang mga natutunan mo ay ibinabahagi sa iyong mga kaklase at binibigyang komento upang mas lalo pa itong mapabuti.
Minimithi kong matapos ang mga kursong nakapaloob sa PTC at ninanais kong kumuha ng pagsusulit para sa mga guro. Sa ngayon, pagbubutihin ko pa lalo ang aking pag-aaral upang makamit ko ang aking mga layunin. Baon ang mga kaalamang natutunan ko sa kursong ito, mananatili akong mapagkumbaba – nakikipagtulungan sa aking mga kaklase upang lalong mapalawak ang kaalaman.
Bilang isang guro sa hinaharap, aking layunin na mas mapaunlad ang aking kaalaman sa pamamagitan ng pakikibahagi CPD at PLC; pagtulong sa komunidad ng edukasyon sa pamamagitan ng paglalathala ng aking pananaliksik (SOTL); paghihimok sa mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gawaing makabuluhan at kapakipakinabang.
Nagpapasalamat ako sa aking mga kaklase at mga naging kagrupo sa kursong ito. Higit ang aking pasasalamat sa aming mga tutors at lalung-lalo na kay Teacher Roja dahil sa paghahabi ng mga gawaing nakatulong sa akin upang maging responsableng mag-aaral. Nakatutuwang isipin na mayroon kaming kalayaang pumili at magdesisyon para sa aming mga gawain.
Explanation:
I hope this help! You can pick in every sentence you'd like!