V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 30 minuto) PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mamamayan upang sila'y magbuklod at labanan ang mga dayuhang mananakop. A Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo? A. Pagtangkilik ng sariling produkto B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa C. Pagpapalibay ng ugnayang panlabas D. Wala sa nabanggit 3. Ito ay galing sa salitang Latin na "imperium" na ang ibig sabihin ay command. A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo 4. Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda. Ang ilustado ay tumutukoy sa B. anak ng mga mayayaman A. nakapag-aral na mga Pilipino C. mga Espanyol D. mga matatapang na Pilipino 5. Anong bansa ang hindi kabilang sa Indochina? A. Cambodia B. India C. Vietnam D. Laos​