3. Sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School, Ano ang dapat na maging aksyon mo? a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon 4. Ang aming kapitbahay ay laging nakikipagtulungan, nakikisama sa iba kaya't naging matagumpay sila sa kung anumang aktibidades na gagawin ng aming pamayanan. Sa aling kasanayan/skills ito napapabilang? a. Kasanaya sa mga ideya at solusyon b. Kasanayan sa mga bagay-bagay c. Kasanayan sa mga datos d. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao 5. Nakasanayan na ni Athan ang pagsasaayos ng mga gamit sa talyer. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Athan sa kaniyang naging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo? a. pinansyal b. kakayahan c. pagpapahalaga d. mithiin 6. Si aling Agnes ay nagtatrabaho bilang Clerk sa isang kompaniya. Siya ang humahawak sa mga dokumento at nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito. Sa aling kasanayan/skills ito napapabilang. a. kasanayan sa mga ideya o solusyon b. kasanayan sa mga datos c. kasanayan sa pakikiharap sa mga tao d. kasanayan sa mga bagay-bagay 7. Siya ay maabilidad, may kakayahan at kahusayan sa paggawa kung ang ag-uusapan ay ang pagluluto ng iba't ibang kakanin. Sa alin pansariling interes siya napapabilang? a. mithiin b. pagpapahalaga c. kasanayan d. hilig​